Klima, Wika, at Relihiyon ng Espanya
Kung plaplano mong magbakasyon sa Espanya, dapat mong malaman na Abril hanggang Hunyo ang pinakamahusay na panahon para doon. Sa panahong ito, makakadanas ka ng karaniwang panahon na hindi masyadong mainit.
Ang wikang pambansa ng Espanya ay Spanish at Castilian, pero may iba pa silang mga dialektong ginagamit tulad ng Galician, Catalan, at Basque. Dahil sa mahigit tatlong daang taong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, makikita mo ang maraming impluwensya sa ating kultura at wika.
Halos 80-90% ng mga Espanyol ay Katoliko, tulad natin dito sa Pilipinas. May iba ring relihiyon tulad ng Islam, Protestant, at iba pa na bumubuo sa kanilang lipunan.
Alam mo ba? Ang Barcelona ay naging sikat na tourist destination lalo na sa mga buwan ng Hulyo at Agosto!