Kalagayan ng mga Manggagawa sa Iba't ibang Sektor
Sa sektor ng agrikultura, malaking challenge ang competition ng local products sa mas murang foreign products. Mas maraming incentives ang nabibigay sa dayuhang kompanya kaysa sa local farmers, kaya nahihirapan ang mga magsasaka.
May mga high-quality na local products tayo tulad ng saging at mangga, pero karamihan ay para sa export lang kaya hindi natin nakikita sa local market.
Ang sektor ng industriya ay lubhang naapektuhan dahil sa mga kasunduan ng Pilipinas sa international financial institutions. Nagbukas ang market natin sa foreign companies na may mas advanced na technology at resources.
Callout: Maraming uri ng pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa ang nangyayari dahil sa globalisasyon!
Sa sektor ng serbisyo naman, malaking tulong ang pagdami ng opportunities lalo na sa BPO industry. Saklaw nito ang finance, commerce, transportation, communication, tourism, at education.
Pero dahil sa liberalization policy, nalilimitahan ang mga local products at services sa pandaigdigang kalakalan dahil dominated ng foreign companies.